Ang Pagtuturo Ay Wala Sa Kagandahan Ng Pisara

6 Sep

Ang Pagtuturo Ay Wala Sa Kagandahan Ng Pisara

Ang Pagtuturo Ay Wala Sa kagandahan Ng Pisara

Mixed Meduim

5ft (H) x 4ft (W)

“Edukasyon ng Pilipinas ito pa kaya ay may halaga? Barung-barong pisara, kulang kulang na silya, kulang na libro, hindi sapat na guro, matututo pa kaya ang kabataang Pilipino?

Sa panlabas na katangian oo nga’t maraming kakulangan, ngunit sa kakulangan, napupunan naman ito ng pangarap. Hindi man kagandahan ang pisara, may alagad naman ng karunungan na nagbibigay pag-asa sa bawat mag-aaral na Pilipino.

HIndi man kataasan ang sahod ng ating mga dakilang guro, buong puso nila inaalay ang kanilang oras sa paglilingkod… binibigay ang buong pagmamahal sa pagtuturo, isang malaking saludo para sa ating mga guro sa walang humpay nilang dedikasyon.

Tunay na ang kagandahan ng pagtuturo ay nasa guro, wala ito sa kagandahan ng gamit. Dahil ang epektibong guro magagawa niya magturo sa mas malikhain niyang pamamaraan kahit sa barung-barong na kagamitan. Lumipas man ang di mabilang na estudyante sa kanilang kamay, mapaglumaan man ang pisara pero ang guro na naging bahagi na humubog sa pagkatao ng kanilang estudyante upang matamo ang kanilang pangarap, at naging ehempliyo sa kabutihan kailanma’y hindi malilimutan.”

My Entry for Philip Morris Arts Awards… September 5 is the submission, and on the day of submission I’m still on the process of finishing it… processing requirements… submission is only until 5pm…. but I submitted around 6pm… I’m the last but not the least, hehe.. (rush eh.) This contest is quite challenging, it’s a very big painting contest for both professional and non-professional… but…. there’s no harm in trying right? heheheI My painting is not more on beauty but more in content. Thanks for my mentor Dandel for always guiding me 🙂

I dedicate my entry to our teachers… The description of the painting is stated above…

*personal note

sana sa ganitong paraan mai-apply ko ang natutunan ko sa college of teacher of education, alam ko na hindi na ako isa sa mga magiging guro ng ating bayan, dahil mas pinili ko ang pagpipinta kesa sa pagtuturo… mahal ko din ang kurso na kinuha ko, pero kailangan ko magdesisyon…I’m struggling with the decision I made, it’s not that easy…but I have to stand for it… some may not understand me now… but soon, in perfect time It’ll all be okay.

 

Advertisements

10 Responses to “Ang Pagtuturo Ay Wala Sa Kagandahan Ng Pisara”

  1. Jonathan September 6, 2013 at 11:55 am #

    Nabanggit ko na minsan na hindi gusali ang bumubuo ng paaralan kung hindi ang mga guro. Pisara man ang gamit o smart board, ang guro pa rin ang pinaka importante sa isang silid aralan. Salamat sa iyong pagpupugay sa mga guro. Alam kong nagagalak ang iyong mga naging guro sa unibersidad. Good luck Jessica at pagpalain ka ng Maykapal.

    • Bigsmyle September 6, 2013 at 2:11 pm #

      naku, maraming salamat kuya jonathan… 🙂 tama ka po sa sinabi mo na hindi gusali ang bumubuo sa paaralan, parang kulang nga po ung nabanggit ko sa itaas… pisara lang… hihihi… dibale… buong puso kong inialay ang entry na ito para sa lahat ng guro… anuman maging resulta masaya ako 🙂

      • Jonathan September 7, 2013 at 11:50 am #

        Salamat din ng marami. Good luck kid, kaya mo yan at good luck din sa darating na exhibit, tapos na ba lahat ng entries mo to display?

  2. joy September 6, 2013 at 1:27 pm #

    Just follow your dream dear. What ever happens, at least you are happy. Anyway, you are a talented lady, so you have what it takes to succeed:)

    • Bigsmyle September 6, 2013 at 2:13 pm #

      thank you ate joy. hala ate, you made me cry cry kunti with your comment…hehe 🙂 i’m just happy ate and touched. hehe

  3. Ric September 7, 2013 at 12:43 am #

    Yes…wala ito sa kagandahan ng gamit… ang pagtuturo ng tama at matuwid ay nasa puso…
    Aanhin mo ang mga gadgets at magagandang technology kung wala din namang natutunan ang mga estudyante 🙂
    God bless your dreams JLO!

  4. Littleyana September 9, 2013 at 12:47 am #

    You are such an artist..in words and abstract figures. Galing talaga. Kung hinde ka man makapag enrol ngayon, ipon lang next year pwede na uli. Don’t lose hope, lahat ng gifts and talents mo pwedeng maging puhunan…

  5. Kulapitot September 9, 2013 at 6:13 pm #

    Pero in reality mas makakaatulong sa mga mag aaral ang isang mgndang pasilidad 🙂

  6. fiel-kun September 10, 2013 at 2:51 am #

    Awww, super agree naman ako dito Jess :))

    Super saludo din ako sa mga dedicated and hardworking na mga guro natin dito sa Pinas. Yung mga gurong, isinakripisyo ang sariling kapakanan, para lamang mapaglingkuran ang mga kabataan mas higit na nangangailangan.

    Goodluck on your entry and God Bless!

  7. Jhanz September 10, 2013 at 4:13 am #

    Alam kong napakadami mo pang kayang ioffer. Sundin mo lang ang iyong puso at pangarap, at alam kong magiging masaya ka. 🙂

    Good luck!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: