Archive | June, 2013

Night Shift, working hours

28 Jun

PENTAX Image

..dahil sa hindi ko malaman na dahilan at ayaw mabuksan ang fb site dito sa lintik na computer na ito, dito ko muna ipo-post sa blog:) busy-busyhan kunwari… working hours… artist at work (feeling lang)… on progress pa lang… deadline july 9… ano pa masasabi ko… sana palarin na akong manalo sa contest, dami ko ng sali, wala pa tsamba…pambihira wala na kami masaing (joke lang) hehehe.

Espesyal

27 Jun

Title: ESPESYAL
Meduim: Acrylic on Canvas
Size: 2ft x 3ft
Year: 2013
Price: _____
Artist: Jessica Lopez

“Ang mga espesyal, madalas hindi sila maunawaan ng marami, minsan sentro sila ng tuksuhan, minamaliit at pinagtatawanan. Tulad ng isang abstract art hindi agad natin naiintindihan ang nais iparating ng mensahe kung sarado ang mga mata sa kung ano lang ang nakikita at kaya nating makita, buksan lamang ang mga mata sa mas malalim na kahulugan nito at ito’y makikita. Tignan natin ang mga espesyal hindi dahil sa sila ay iba, kundi sa regalong taglay nila. Regalo na magbibigay kulay at saya sa iba. Sa bawat guhit at pinta ng kanilang pagkatao nabubuo ang isang obra, obra na hindi matutumbasan ng salapi.”

Sa mga nakakakilala na sa akin, painting na talaga hilig ko at I really find time to improve more. Sumasali ako sa mga painting contest… Ito entry ko para sa SHELL student painting contest 2013, sana this time I can make it. Lagi ako sumasali, sali lang ng sali, pero kung hindi man ako palarin manalo, I’m still happy 🙂 Priceless naman ang mga natutunan ko sa bawat kompetisyon na salihan ko. “In every competitiom, it’s not always winning, but self development on how can we become better next time around” JLo quotes, hehehe!

Siksik, Liglig, Umaapaw

24 Jun
1583_360386617417591_2131252814_n

Title: Siksik, Liglig, Umaapaw
Meduim: Acrylic on Canvas
Size: 3ft x 4ft
Year: 2013
ARtist: Jessica Lopez

“Ang buhay natin ay naguumapaw ng biyaya, ang bawat kulay na nangayayari sa atin ay kaakibat ang kakaibang ningning na siayng pupuno sa ating pagkatao upang maging makulay ang ating buhay. Madalas tayong maghanap ng wala pero hindi natin namamalayan tayo ay pinagpala higit pa sa inaakala natin, higit pa sa plano natin, higit pa sa kaya nating gawin. Ang buhay natin ay siksik, liglig, at naguumapaw sa saya at biyaya”

This, my entry for non representational category during the GSIS 2013 ART COMPETITION on June 1, Pasay City. Thank you Lord for the chance to join, win or lose it doesn’t matter, I still won (experience) 🙂